LEGAZPI CITY- Mas hinigpitan pa ang security protocols sa mga pantalan sa rehiyong Bicol dahil sa magkakasunod na insidente ng pagkakakumpiska ng iligal na droga.

Ayon kay Port Management Office Bicol Media Relations Officer Achilles Galindes sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na patuloy ang kanilang koordinasyon sa partner agencies tulad ng Philippine Coast Guard at Philippine Drug Enforcement Agency upang mapigilan ang anuman na kontrabando na tinatangkang ipuslit sa mga pantalan.

Aminado kasi ang opisyal na mayroon ring limitasyon ang kakayanan ng mga K9 dogs.

Dagdag pa ng opisyal na batay sa tala ng tanggapan, nakita ta dumarami ang mga iligal na aktibidad at mga kontrabando sa mga pantalan tuwing papalapit ang eleksyon.

Ito ang isa sa mga mino-monitor ngayon ng mga otoridad na posibleng samantalahin ng mga drug personalities.

Paliwanag ni Galindes na tuwing papalapit ang national elections ay dumarami rin ang volume ng mga pasaheo sa mga pantalan na nagbabakasakali na magpuslit ng mga kontrabando.