LEGAZPI CITY – Hindi ikinokonsidera na maisabay sa mga alternatibong solusyon ang pagpapapasok ng bagong power supplier sa Albay upang maresolbahan ang problema sa supply distribution.
Ayon kay Gov. Noel Rosal sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, mas maigi na umanong mag-“back to square one” muna kaysa pumasok na naman sa panibagong pagkakautang.
Duda rin si Rosal kung may magnanais na pumasok na bagong concessionaire kung lubog pa sa utang ang lugar.
Kumpiyansa naman itong kakayaning makapagbayad ng pagkakautang sa loob ng 10 taon subalit nangangailangan ng kooperasyon mula sa mga mamamayan.
May inihandang proposal na rin ang pamahalaang panlalawigan para rito na ilalatag sa Agosto kasabay ng Albay Electric Cooperative (ALECO) General Assembly (AGMA).
Paalala pa ni Rosal na ang hindi libre ang kuryenteng ginagamit kaya dapat lamang na magbayad ng tama ang mga konsumidores.