LEGAZPI CITY – Pambabastos sa mga bayani.
Ito ang tinuran ng pamilya ng isa sa mga bayaning inalis sa pagpapalit ng disenyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa bagong P1000-polymer banknote.
Imbes na larawan ng Japanese occupation heroes na sina dating Chief Justice José Abad Santos; Girl Scout of the Philippines founder Josefa Llanes Escoda, at Gen. Vicente Lim, Philippine eagle at flora and fauna na ang makikita sa bagong disenyo.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi sa manunulat at author na si Jose Maria Bonifacio Escoda, pamangkin ng isa sa mga bayani, kwinestiyon nito ang totoong dahilan ng pagpapalit.
Mistula umanong isinantabi ang kadakilaan at paglaban ng mga bayani habang hindi rin makakatulong ang hakbang sa pag-educate sa mga kabataan.
Samantala, idudulog naman nito sa susunod na administrasyon ang isyu habang hiling sa Kongreso na gumawa ng batas na nagpoprotekta sa mga dating disenyo ng pera nang hindi basta-bastang mapalitan.
Nakatakda ring maglabas ng libro si Escoda na tumutuligsa sa ginawang pagbabago ng BSP.