LEGAZPI CITY- Pinagpaplanuhan ngayon ang pagbibigay solusyon sa kakulangan ng malinis na tubig sa ilang mga lugar sa rehiyong Bicol.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development Bicol Director Norman Laurio sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na isa sa mga tinututukan ay ang Zapatos island sa lalawigan ng Masbate na walang water sources.
Target na maisabay ang lugar sa mga nakalinyang proyekto ng tanggapan upang matulungan ang mga residente na walang mapagkukunan ng malinis na tubig.
Sinab ng opisyal na isa sa mga naiisip nila ay ang paglalagay ng rain collector upang maipon ang tubig sa panahon ng tag-ulan na magagamit ng mga residente.
Subalit aminado ang opisyal na magiging hamon ito sa muling pagpasok ng tagtuyo.
Ayon kay Laurio na isa sa mga naiisip nila ay ang paglalatag ng desalinator na magko-convert ng tubig-dagat upang maging tubig-tabang.
Sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng source ng tubig ang mga residente.