LEGAZPI CITY- Inaalam pa ng mga lokal na opisyal ang rason ng magkakasunod na pagkamatay ng mga alagang baboy sa Barangay Santa Cruz sa bayan ng Palanas, Masbate.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development Bicol Director Norman Laurio sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na agad na nagpadala ng team ang tanggapan sa naturang lugar upang alamin ang maaaring maitulong sa mga apektadong hog raisers.
Paliwanag ng opisyal na nais nilang matulungan ang mga nag-aalaga ng baboy sa pagkalugi ng mga ito matapos maapektuhan ng insidente.
Batay umano sa pakikipag-ugnayan ng tanggapan sa lokal na pamahalaan ng Palanas, nabatid nanakaranas ng sintomas ang mga babot tulad ng pagtatae at lagnat bago ito binawian ng buhay.
Nilinaw naman ni Laurio na hindi pa malinaw sa ngayon kung African Swine Fever ang tumama sa naturang mga baboy dahil isinasailalim pa sa tests ang mga ito.
Sa kabilang banda, nilinaw ng opisyal na walang dapat ipangamba ang publiko lalo pa at kontrolado naman ang sitwasyon.