LEGAZPI CITY- Nagpapatuloy ngayon ang pag-aaral ng bagong City Health Officer ng Legazpi sa mga programang kalusugan upang makita kung ano pa ang kailangang ma-improve sa health care system sa lungsod.
Ayon kay Dr. Francis Gomez, ang bagong City Health Officer sa Legazpi, prayoridad niya ang pagkakaroon ng mental health clinic at animal bite center sa kaniyang panunungkulan.
Napapanahon na aniya ang pagkakaroon ng mental health clinic dahil simula umaano nung pandemya ay naging problema na ito at isa umaano sa mga concerns na napapaibot ng mga residente lalo na ng mga kabataan.
Ayon pa sa opisyal, marami na ang pumunta sa opisina nila upang mag inquire kung mayroon na silang ibinibigay na counseling at physical intervention.
Ang animal bite center naman aniya ang tutugon sa problema ng mga Legazpeño na nakagat ng aso o anumang klase ng hayop na pwedeng makapaakekto sa kanilang kalusugan.
Subalit amindo naman ang opisyal na malaking hamon din sakanya kung paano mapapanatili ang magandang legasiya na ginawa ng former City health officer lalo pa at multi awarded aniya ang mga programa ng lungsod sa mga nakalipas na taon.
Samantala, may pagababago naman sa schedule ng out-patient department (OPD) kung saan tuwing Lunes at Biyernes ay para sa General consultation, Martes ay para sa mga buntis, Miyerkules naman para sa Pedia consultation at Huwebes para sa mga senior citizens.
Dagdag pa ng opisyal, sa ngayon mas gumanda umano ang serbisyo ng City Health Office at naiwasan na rin ang mahabang pila sa OPD dahil nagdagdag sila ng mga doctor na magbibigay serbisyo sa mga Legazpeño.