LEGAZPI CITY- Isinusulong ni Albay third district Representative Fernando ‘Didi’ Cabredo ang paggamit ng artificial intelligence upang mas mapaunlad ang sektor ng agrikultura.
Paliwanag ng kongresista sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya, matutulungan ang mga mamamayan na mas maging produktibo dahil mas mapapadali nito ang trabaho.
Naniniwala ang opisyal na sa pamamagita ng artificial intelligence ay maraming kapakinabangan sa mga magsasaka gaya na lamang ng soil analysis, tamang paraan ng pagtatanim at pagbabantay ng tamang panahon ng pagtatanim.
Nilinaw naman ng mambabatas na hindi nila nais na palitan ang mga lokal na magsasaka kundi magkaroon lamang ng makabagong kagamitan na mapapakinabangan ng mga ito.
Maalala na sa ikatlong distrito ng Albay, isa ang pagsasaka sa pangunahing hanapbuhay ng mga residente.
Inihalimbawa pa ni Cabredo ang mga first world countries na gumagamit ng mga bagong imbensyon sa teknolohiya sa pagtatanim kaya madaling napapaunlad ang agriculture sector.