LEGAZPI CITY – Sunod-sunod ngayon ang mga isinasagawang kilos protesta ng grupo ng mga magsasaka upang ipakita ang mariing pagkondena sa plano ng gobyerno na pag-angkat ng milyong metrekong tonelada ng bigas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Amihan Chairperson Zenaida Soriano, sinabi nito na sa pagbaba ng taripa ng bigas sa 15% mula sa dating 15% ay hindi lang pamahalaan ang mawawalan ng kita kundi maging ang mga magsasaka.
Sa pamamagitan nito ay tiyak na babaha ng mga imported na produkto sa mga merkado na may mas mababang presyo kumpara sa lokal na produksyon.
Dahil dito, mawawalan ng kita ng mga magsasaka dulot ng pagkalugi.
Binigyang diin ni Soriano na baliktad ang ginagawa ng gobyerno na imbes patatagin ang sektor ng agrikultura ng bansa ay mas lalo pang pinapabagsak.
Lalo pang ang pagbibigay suporta sa sektor ng agrikultura ang susi sa kagutuman at kakulangan ng pagkain.