LEGAZPI CITY- Handa ang pwersa ng Coast Guard District Bicol sa paghahatid ng seguridad sa publiko kasunod na paunti-unting pagdami ng mga biyahero sa rehiyon habang papalapit ang holiday season.

Ayon kay Commander Emman Avila ng Coast Guard District Bicol sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, bubuksan ngayon ang Malasakit Help Desk upang mabilis na matugunan ang pangangailangan ng publiko.

Ngayong holiday season, inaasahan na ng mga otoridad ang pagdagsa ng mga taong planong umuwi sa kanilang mga probinsya.

Dahil dito ay nakipag-ugnayan na rin ang ahensya sa Philippine Coast Guard Auxillary upang masigurong magiging maaayos ang biyahe ng mga ito.

Maliban pa dito ay nagkaroon na rin ng Deployable Response Group na maaaring maipadala sa anumang pantalan sa bansa.