LEGAZPI CITY – Hindi na ipinagtaka ng isang mambabatas ang pagbaba ng ranking ng Pilipinas ng siyam na pwest sa Global Gender Gap Report 2024.
Sa 146 na bansa na binabantayan para sa gender equality nasa 25 na ranggo ang Pilipinas,
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay ACT Teachers Party-List Rep. France Castro, malaking ambag dito ang patriarchal na lipunan.
Nangangahulugan ito na domenanti pa rin ang mga kalalakihan sa trabaho, decision making, pagiging lider at iba pa.
Nakakaapeto rin sa naturang datos ang relihiyon at maraming mga paniniwala.
Ayon kay Castro kung nais talang tumaas ang ranking ng bansa dapat na gumawal ng polisiya para sa pagiging pantay ng kalalakihan at kababaihan sa anumang larangan.