bigas
bigas

LEGAZPI CITY-–Inihayag ng grupong Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON), na dapat walang pinipiling sektor ang pagbili sa P20/kilong bigas na programa ng gobyerno.


Ito ay matapos i-anunsyo ng Department of Agriculture na isama na sa naturang programa ang mga jeepney at tricycle driver simula sa Setyembre 16 sa limang pilot areas kasama ang Navotas City.


Ayon kay PISTON National President Mody Floranda, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, kanilang ipinagtataka kung bakit pinipili lamang umano sa kung sino ang may karapatan na bumili ng ng P20/kilo na bigas.


Dapat aniya na walang pinipili ang nasabing programa dahil hindi lamang ang sektor ng transportasyon ang nagkukulang sa kita kundi malaking porsyento ng populasyon sa bansa ang nasa rurok ng kahirapan.


Binigyang-diin ni Agriculture na dapat makinabang dito ang lahat lalo na’t karamihan sa mga mamamayan ay nangangailangan din ng nasabing programa.