LEGAZPI CITY – Extended ng isang buwan ang pagbabayad ng electric bills mula sa Albay Power and Energy Corporation (APEC).
Sakop ng nasabing extension ang bills na mula Marso 15 hanggang sa Abril 14 kung saan posibleng maging pahirapan sa mga consumers ang pagtungo sa Bayad Center at APEC office.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay APEC spokesperson Pat Gutierrez, pwedeng bayaran ang konsumo sa kuryente sa Abril 15, 2020.
Subalit sa mga nais nang magbayad kahit may enhanced community quarantine dahil sa coronavirus, bukas naman ang tanggapan mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Maliban sa nasabing abiso, suspended rin ang massive disconnection para sa mga may mga utang pang babayaran subalit makakalusot ang mga sangkot sa illegal connection.
Sa mga may reklamo, bukas naman 24/7 ang call center na maaring matawagan sa mga numerong 0995 042 8707 at 0929 268 3904.
Handang tumulong ang technical linemen at iba pang skeletal force na nakatutok sa basic services.