(Photo by Jocelyn Orobia Palacio)

LEGAZPI CITY—Muling nakaranas ng pagbabaha ang Barangay Masarawag ng Guinobatan Albay dahil sa mga pag-uulan sa lugar.


Ayon kay Brgy. Masarawag, Guinobatan Albay Kagawad Romollo Llona, ​​​​sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ilan sa mga lugar na muling nakaranas ng pagbaha ay ang Purok 4, Purok 5, Purok 6, at Purok 8 ng naturang barangay.


Aniya dahil dito ay naantala ang nakatakdang pagpupulong nila sa Department of Public Works and Highways (DPWH) tungkol sa mga flood control projects sa kanilang barangay.


Dagdag ni Llona na nagsagawa na rin ng clearing operations ang mga otoridad sa lugar at sa kasalukuyan ay passable na ito sa lahat ng sasakyan.


Samantala, nagbabala ang opisyal sa mga residente na maging alerto sa anumang sitwasyon lalo na kung makararanas ng pag-ulan sa kanilang nasasakupan.