LEGAZPI CITY- Mariing kinondena ng Makabayan Bloc ang pagtanggal na ng gobyerno sa ipinatupad na ban at pagbabalik na ng operasyon ng mga open pit mining sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Rep. Ferdinand Gaite, makadismaya umano na pinayagan pa rin ng gobyerno ang naturang klase ng pagmimina na napatunayang nagdudulot ng pagkasira ng kalikasan at kawalan ng kabuhayan ng mahihirap na Pilipino.
Binigyang diin nito na naiintindihan naman ang kagustohan ng gobyerno na makaipon ng pondo mula sa buwis na makukuha sa mga minahan, subalit hindi naman umano maaring palampasin na lang ang negatibong epekto nito sa kalikasan.
Panawagan naman ni Gaite sa gobyerno, na tiyakin ng mahigpit na naipatutupad ang mga environmental laws sa pagmimina at agad na bigyan ng parusa ang mga pabayang mining companies.