© Lowel Adrian Solayao

LEGAZPI CITY – Patuloy ang paghahatid ng kaalaman ng ilang mga guro sa mga estudyante sa Sorsogon sa gitna ng coronavirus pandemic.

Ito matapos simulan ng ilang mga guro ang Project PACE or Project Personalized Activities with Contextualized Experiences bilang alternatibong pag-aaral ng mga bata matapos ang huling batch na nakapagtapos sa reading camp.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Lowel Andrian Solayao, founder ng Pilar Reading Center, katulong ang ilang malalapit na kaibigan ay gumagawa sila ng mga learning module kung saan nagsisilbing literacy partners ang mga magulang.

Layunin aniya nito na makatulong sa pagpapalakas ng mental at learning needs ng mga mag-aaral matapos maapektuhan ang pasok ng mga ito dahil sa COVID-19.

Samantala, kumpiyansa naman si Solayao na kakayanin ng bansa na makapagpatuloy sa pag-aaral ang mgabata kahit walang physical classes dahil patunay ang Project PACE na kayang abutin ng serbiyo kahit pa ang mga remote areas kung may suporta mula sa mga magulang.