The eruption of Mayon Volcano and the increase in the price of petroleum products caused by escalating tensions in the Middle East are a double blow for farmers in Barangay Mi-isi, Daraga, Albay.

LEGAZPI CITY – Dobleng dagok para sa mga magsasaka sa Barangay Mi-isi, Daraga, Albay ang pag-alburuto ng Bulkang Mayon at ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo na dulot ng tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan.

Ayon kay Kagawad Servando Loria sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, simula nang pumutok ang bulkan hanggang ngayon, hindi pa sila nakakapagtanim sa kanilang mga bukirin dahil sa mga iregularidad tulad ng ashfall.

Mas lalong naghigpit ng sinturon ang karamihan sa kanilang mga residenteng magsasaka at iba’t ibang pagtitipid na ang ginawa upang hindi sila masyadong gumastos sa mga produktong petrolyo.

Ipinunto rin niya na ang communal garden na bahagi ng cash for work program ng gobyerno ay hindi sapat para sa kanilang mga residente kahit na naani na ang kanilang mga pananim.

Sinabi ng opisyal na karamihan sa kanilang mga magsasaka ay pansamantalang tumigil na sa pagtatanim at naghahanap ng ibang mapagkakakitaan.

Nanawagan si Loria sa gobyerno na ituon ang pansin sa sektor ng agrikultura sa lalawigan ng Albay at iwasan ang mga alitan sa politika at unahin ang mga pangangailangan ng bawat Pilipino.