LEGAZPI CITY – Nakiisa ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa mga panawagan na alisin ang pamumulitika sa panahon ng pagharap sa krisis dahil sa coronavirus disease (COVID-19).
Itinuturing na “welcome development” ni PACC Commissioner Manuelito Luna ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na Department of Social Welafre and Development (DSWD) na ang direktang magbabahagi ng social amelioration package (SAP).
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, sinabi ni Luna na may ilang pasaway kaya’t nadedehado sa tulong ang karamihan lalo na’t pinipili ang mga pagbibigyan.
Karaniwang lumalapit ang mga ito sa mga posibleng maggamit sa eleksyon.
Naniniwala si Luna na dahil may sariling listahan ang DSWD sa target beneficiaries maging ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), maiiwasan ang pagiging bias at favoritism.
Nakasalalay na lang sa sistema ng pagbabahagi ng tulong at mga idadagdag pa sa listahan upang masakop ang mayorya, ang iisipin ng mga nasabing ahensya ayon kay Luna.