LEGAZPI CITY- Nakiusap si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Manuelito Luna na maghintay na lamang ng magigin pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte hingiil sa isyu ng umanoy extension sa umiiral na Enhanced Community Quarantine sa Luzon kaugnay ng coronavirus disease (COVID-19).
Nakatakdang magpaso ang ECQ sa Abril 13, 2020 kung saan ilang mambabatas ang nagsabi na kailangan pa ng panibagong 30 araw na extension.
Una nang sinabi ni Caloocan City Rep. Edgar Erice, siyensya at common sense umano ang dapat pagbasehan sa pagpapalawig sa ECQ upang hindi mabalewala ang “gains” ng unang ipinatupad na restrictions.
Ayon pa kay Luna sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, hindi maaaring pangunahan ang pangulo sa gagawing hakbang.
Nagdudulot lamang aniya ang naturang suhestyon sa pagmamadali at pressure sa mga bagay-bagay lalo pa at hindi lamang ang Pilipinas ang nahaharap sa pagsubok kundi ang buong mundo.