LEGAZPI CITY – Nagbabala ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na huwag nang subukang gumawa ng kalokohan kaugnay ng P200 billion na tulong para sa mga apektado ng coronavirus disease.
Ayon kay PACC Chairman Dante Jimenez sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, dapat nang tigilan ang ganitong mga hakbang dahil may karampatang parusa na kakaharapin ang mga ito.
Hahabulin aniya ng pamahalaan ang mga taong ginagamit ang pondo ng bayan para sa personal at political interest.
Paalala pa ni Jimenez na malinaw na nakapaloob sa Bayanihan to Heal As One Act ang parusang kakaharapin ng mga ito.