LEGAZPI CITY – Aabot sa P500,000 ang iniwang pinsala sa fishery sector ng bagyong Dante matapos ang second landfall sa isla ng Masbate.

Maliban dito ayon kay Office of Civil Defence (OCD) Bicol spokesperson Gremil Naz sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, tatlong kabahayan rin sa bayan ng Mandaon ang totally damage at 256 ang partially damage sa Esperanza.

Nasa anim na bayan naman ang nawalan ng suplay ng kuryente na kinabibilangan ng Palanas, Mandaon, Cataingan, Placer, Esperanza at Pio V Corpus.

Wala namang naiulat na casualty at flooding incident sa mga lugar sa Bicol na naapektuhan ng naturang bagyo.

Subalit nakapagtala namang ng rockslide sa bayan ng Bato sa Catanduanes na agad namang naaksyunan.

Sa lalawigan naman ng Albay, passable ang lahat ng national roads at walang naitalang anuman na pinsala dulot ng bagyong Dante.