LEGAZPI CITY – Pinilahan ng mga mamimili ang inilunsad na Kadiwa ng National Irrigation Administration sa lalawigan ng Masbate.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Engr. Gaudencio De Vera ang Regional Manager kan National Irrigation Administration Bicol, upang matulungan ang mga magsasaka sa pagbebenta ng kanilang mga produkto ay naglunsad ang kanilang opisina ng Kadiwa.
Dinala ng mga asosasyon ng mga magsasaka ang kanilang mga produkto kagaya ng bigas, karne, itlog at mga gulat sa lalawigan.
Umabot sa 450 na mga residente ang nakabili ng ibat ibang klaseng produkto na mas mura kung ikukumpara sa mga nabibili sa palengke dahil direktang mula sa mga magsaska.
Pinakapinilahan ang bigas na ibinibenta sa presyong P35 lamang ang kada kilo na mas mura kumpara sa P50 hanggang P60 na presyohan sa palengke.
Plano ng NIA Bicol na magsagawa pa ng Kadiwa bako sa ibang mga lalawigan sa Bicol upang mas madami pang mga magsasaka at mamimili ang matulungan.