Farmers' groups support the P33 million fund approved by the bicameral conference committee for farm-to-market road projects under the 2026 national budget.

LEGAZPI CITY – Suportado ng grupo ng mga magsasaka ang P33 Milyong pondo na inaprubahan sa bicameral conference committee para sa mga farm-to-market road projects sa ilalim ng 2026 national budget.

Ayon kay Federation of Free Farmers Chairman Leonardo Montemayor sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, napakahalaga ng proyektong ito sa mga magsasaka upang mas madaling makarating sa mga pamilihan ang kanilang mga produkto.

Gayunpaman, nauunawaan din nila ang mga alalahanin ng ilang mambabatas at iba pang sektor na may posibilidad na ang paggastos ng pondo ay hahantong sa katiwalian at samakatuwid ay hinihingi nila ang sapat na mekanismo at pangangasiwa upang matiyak na ang mga buwis ng mga tao ay nagagamit nang patas.

Sinabi ng opisyal na ang pakikilahok ng mga lokal na yunit ng pamahalaan at mga grupo ng mga magsasaka ay magiging kritikal sa pagsubaybay kung ang mga farm-to-market road projects ay maayos na naisagawa, nang walang kalabisan sa presyo, at walang ginamit na mga substandard na materyales.

Sinabi niya na dapat ding tiyakin ng Deparment of Agriculture na mayroon silang sapat na bilang ng mga tauhan upang tumugon sa kanilang mga plano, pag-validate asin liquidate ng mga project request upang hindi masayang ang malaking pondo at maantala ang mga proyekto.

Nanawagan din si Montemayor sa mga mambabatas na magsasagawa ng mga budget insertions na dapat i-validate ang mga proyektong nais nilang itayo batay sa mga pangangailangan ng mga magsasaka sa isang bahagi ng lokalidad upang maiwasan ang arbitrary selection ng mga farm-to-market road projects.