LEGAZPI CITY – Posibleng makabili na ng P29 na kilo ng bigas sa Bicol ngayong buwan ng Setyembre.
Dahil ito sa contract farming program na inilunsad ng National Irrigation Administration katulong ang mga lokal na magsasaka sa rehiyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Engr. Gaudencio de Vera ang Regional Manager ng National Irrigation Administration, nakipagkonrata ang kanilang opisina sa ilang magsasaka sa Bicol sa nagtatanim sa nasa 1,500 na ektarya ng palayan.
Ang ahensya ang gumagastos sa mga kailangan ng magsasaka kagaya ng patubig, binhi at pataba.
Oras na makaani na, ang ahensya na rin ang bibili ng palay mula sa mga magsasaka na ibebenta naman sa mga Kadiwa stores sa murang halaga.
Ayon kay de Vera, kagaya ng Kadiwa ng Pangulo, limitado lamang muna sa mga Persons with Disabilities, senior citizens at mga naghihirap na benipisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ang maaring makabili ng bigas.
May limit rin na hanggang 10 kilo lamang ang maaring mabili upang mas marami ang makikinabang