LEGAZPI CITY – Umabot sa P2.8 milyon ang halaga ng iligal na droga na narekober mula sa isang high value target na menor de edad sa Barangay Lidong, Sto. Domingo, Albay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PMaj. Genivieve Oserin ang hepe ng Sto. Domingo Municipal Police Station, matagal ng binabantayan ng Regional Police Drug Enforcement Unit ang galaw ng suspek na kinilala lang sa alyas na Jan na aktibo umanong nagbebenta ng iligal na droga sa lugar.
Hanggang sa maikasa ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakahuli nito at pagkakakumpiska ng mga iligal na droga.
Unang nakua mula sa suspek ang nasa 15 grams ng pinaniniwalaang shabu na ibinenta sa nagpanggap na buyer sa halagang P30,000.
Subalit ng kapkapan na si Alyas Jan, dito na tumambad ang nasa 400 grams ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P2.8 milyon.
Nasa kustodiya na sa ngayon ng Philippine National Police ang suspek habang kinukumirma pa kung totoo ang pakilala nito na 15 taong gulang pa lamang siya