Residents of Tiwi, Albay whose homes were severely damaged by recent severe weather have received initial assistance.

LEGAZPI CITY – Nakatanggap na ng paunang asistensya ang mga residente ng Tiwi, Albay na labis na napinsala ang mga tahanan dahil sa nakalipas na mga sama ng panahon.

Matatandaan na personal na bumisita sa Tiwi, Albay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahapon kung saan nakausap nito ang ilang mga lokal na opisyal sa lalawigan.

Ayon kay Tiwi Mayor Jose Morel Climaco na nasa 141 na mga kabahayan sa naturang bayan ang labis na napinsala.

Aniya, naipamahagi na ng lokal na pamahalaan ang mga food and non-food items at P10,000 na asistensya mula sa pangulo.

Makakatulong umano ito para sa muling pagbangon ng mga apektadong residente sa nasasakupan na lugar.

Samantala, maliban sa mga kabahayan ay nakapagtala rin ng mga damages sa mga pananim tulad ng palay, abaca, saging at niyog.