LEGAZPI CITY – Isinusulong ngayon ng Philippine Fiber Industry Development Authority ang modernisasyon sa proseso ng paggawa ng abaca sa Pilipinas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Bert Lusuegro ang Provincial Fiber Officer ng Philippine Fiber Industry Development Authority Catanduanes, napag-iiwanan na ang abaca ng ibang mga industriya dahil sa kakulangan ng makabagong ekipahe para sa paggawa ng abaca.
Idagdag pa diyan ang kakulangan ng pondo ng mga ahensya ng gobyerno upang masuportaran ang pangangailangan ng mga abacaleros.
Ayon kay Lusuegro, tinatayang nasa P100 hanggang P200 milyon ang kinakailangan ng industriya upang makabili ng mga stripping machines na ginagamit sa pagkuha ng abaca fibers.
Posibleng tumaas pa yan ng hanggang P500 milyon kung isasama ang gastos sa pagpapatayo ng mga drying facilities para sa pagpapatuyo ng mga abaca fibers.
Malayo ang nasabing halaga kung ikukumpara sa P10 milyon lamang na budget ng ahensya.
Dahil dito, nagrequest na ang opsisyal ng dagdag na pondo sa gobyerno sa pag-asang makatutulong ito upang malakas pa ang industriya at mas dumami ang mga Pilipino na maeengganyong gumawa ng abaca.