Inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government ang pag-aalok nito ng P10 million na pabuya sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan ng wanted na si Pastor Apollo Quiboloy.

Matatandaan na nahaharap si Quiboloy sa kasong child molestation at sexual abuse.

Sa kasalukuyan ay patuloy itong nagtatago at walang nakaka alam sa kinaroroonan nito.

Maliban pa sa naturang pastor ay may pabuya rin na tig-P1 million para sa makakapagturo sa mga kasamahan nito na sina Cresente Canada, Pauline Canada, Ingrid Canada, Sylvia Cemañes at Jackielyn Roy.

Samantala, nanawagan rin si DILG Secretary Atty. Benhur Abalos kay Pastor Quiboloy na sumuko na ito sa mga kinauukulan kung totoong wala itong kasalanan sa mga kinakaharap na kaso.