Matapos ang higit dalawang buwan na pagbabawal ng outbound travel sa Chinese city na Wuhan, inalis na ng mga otoridad ang ban.
Libo-libong biyahero ang nag-unahang makasakay sa mga tren na palabas sa lungsod na unang naging sentro ng global coronavirus pandemic.
Hatinggabi nang i-lift ang ban na hudyat ng pagtatapos nang ipinatupad na lockdown bago tumawid ng Pebrero.
Tinatayang higit 11 million ang nilisan ang lungsod matapos na marinig ang pagbubukas ng borders.
Ayon sa Hubei province, umabot sa higit 81,000 ang overall infections sa lugar at 3,300 nasawi. (AFP)