LEGAZPI CITY- Nakapagtala na ng mahigit 5,000 na mga pasahero na palabas at papasok sa rehiyong Bicol ngayong papalapit na ang holiday season.

Ang mga outbound passengers ay pumalo na sa mahigit 3,000 na inaasahan na madaragdagan pa ngayong araw.

Ayon kay Philippine Coast Guard Bicol spokesperson Ensign Alyzza Bermal sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na handa naman ang tanggapan kung sakaling dumoble pa ang bilang ng mga pasahero sa mga pantalan.

Aniya, tinututukan ngayon ang pagpapatupad ng seguridad upang masiguro na ligtas ang mga biyahero.

Nabatid na nagpakalat na rin ng nasa 300 na mga tauhan ang tanggapan sa mga pantalan sa rehiyon.

Ayon kay Bermal na nakatutok ang Coast Guard Personnel sa pagbibigay asistensya sa mga pasahero kung may kailangan ang mga ito ay pagsiguro na kumpleto ang mga dokumento ng mga biyahe.

Samantala, nagpakalat na rin ng K9 units upang maharang ang mga iligal na kontrabando na posibleng ipuslit sa mga pantalan.