LEGAZPI CITY- Muling nanawagan ang Legazpi City Smoke-Free Unit na huwag nang maninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Jose Balbin, head ng Legazpi City Smoke-Free Unit, sinabi nitong maliban sa batas-pambansa sa ilalim ng Executive order no. 26, at pagiging saklaw nito sa Clean Air Act at Tobacco Regulation Act, ay kasalukuyan ding may ordinansa sa lungsod na nagbabantay sa mga naninigarilyo kung saan-saan.

Paalala nito sa publiko may kakaharapin na penalty at multa ang sino mang hindi susunod.

Kung saan sa kada indibiwal ay magmumulta ng P500 sa 1st Offense, P1,000 sa 2nd Offense, at para sa 3rd Offense ay P1,500, habang sa mga establisyemento de negosyo namang hindi susunod sa “no smoking policy”, may multang P1,000 para sa 1st Offense, P3,000 sa pangalawang beses na paglabag at P5,000 sakaling umabot pa sa pangatlong offense.

Maliban rito ay posible ring kanselahin ang Mayor at Business Permit.

Samantala, ayon kay Balbin nasisimula na rin silang magbigay ng warning sa mga nakikitang nagvi-vape o gumagamit ng e-cigarette na sakaling maaprubahan na an pinaplantsang ordinansa, ipagbabawal na rin ito sa mga pampublikong lugar, kung saan ang sino mang hindi susunod ay papatawan din ng parusa at multa