Tuloy-tuloy pa rin ang pagsusumikap ng mga awtoridad sa paghahanap sa nawawalang medical evacuation helicopter na may tail number na N45VX sa Balabac, Palawan na naiulat na nawawala nitong ikalawa ng Marso.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay CG Ensign Gabriel Infante ng Coast Guard District Palawan, negatibo pa rin ang resulta ng isinagawang maritime patrol kahapon sa karagatang sakop ng nasabing lugar.

Naniniwala ng mga awtoridad na posibleng mayroon pang buhay sa mga sakay ng bumagsak na chopper kung kaya’t hindi pa umano ito gagawing search and retrieval operations.

Ngunit aminado rin si Infante, na isa ang pabago-bagong panahon sa nagpapatagal at nagpapahirap sa isinasagawang search and rescue operations.


Lalo pa’t delikado rin para sa mga divers na languyin ang karagatan kung saan tinuturong posibleng pinagbagsakan ng nasabing aircraft dahil sa lalim na 120 hanggang 130 meters.

Tanging ang unan pa lamang ng pasyenteng sakay ng helicopter ang nakuha ng mga Philipppine Coast Guard personnel at wala pang nakikitang anuman na debris mula sa chopper.

Samantla siniguro naman ni Infante na hindi sila susuko hanggang hindi na kikita ang “Yellow Bee” helicopter na pagmamay-ari ng Philippine Adventist Missionary Aviation Services (PAMAS).