Inihayag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na sinuspinde ang operasyon ng General Santos Airport kasunod ng pagtama ng magnitude 7.8 na lindol.
Ayon kasi sa inisyal na mga ulat na nagtamo ng pinsala sa ilang bahagi ng paliparan kasunod ng pagyanig.
Nagpalabas ang tanggapan ng Notice to Airmen (NOTAM) na epektibo alas-8:45 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
Inabisuhan rin ng CAAP ang mga pasahero na makipag ugnayan sa kanilang mga airlines para sa status ng kanilang flight.











