LEGAZPI CITY- Sinisimulan na ngayon ng mga ahensya ng gobyerno ang pag-automize ng sistema sa Matnog port upang maiwasan na ang mahabang pila ng mga saksakyan na karaniwang problema tuwing peak season at may sama ng panahon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Anti-Red Tape Authority Dir. General Jeremiah Belgica, kinumpirma umano ng Department of Transportation na natapos na ang bidding para sa pagpili ng developer na bubuo ng system para sa gagamiting online booking sa pantalan.
Sakaling mailunsad na ito, hindi na kailangan pang pumila ng mga sasakyan upang makasakay sa pantalan, dahil online ng bibili ng ticket at maghihintay na lang kung kailan makakabiyahe.
Samantala, habang wala pa ito naglaan na muna ang lokal na gobyerno ng 11 ektarya ng lupa malapit sa Matnog port, na gagamitin bilang holding area ng mga dadating na sasakyan upang maiwasan na ang mahabang pila.