LEGAZPI CITY-Nabanggit ni President Ferdinand Marcos Jr. sa pagbubukas ng kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) na malapit nang sampahan ng mga kaso ang Office of the Ombudsman laban sa dating Speaker ng Kamara at kinatawan ng Leyte na si Ferdinand Martin Romualdez.

Kasabay din nito inihayag pa niya na nakapagpakulong ang pamahalaan sa ilang kontratista, matataas na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), at mga mambabatas na sangkot umano sa anomalya sa mga proyektong flood control.

Binigyang-diin ni Marcos na hindi dapat manaig ang ugnayang pampamilya sa pagpapatupad ng batas.

Ang pahayag ni Marcos ay bahagi umano ng kanyang paninindigan na pananagutin ang sinumang mapatutunayang sangkot sa katiwalian, kabilang ang mga nasa matataas na posisyon sa pamahalaan.