Senator Rodante Marcoleta

Isinampa na ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay Sen. Rodante Marcoleta kaugnay pa rin ng P75 million na campaign donations na natanggap nito noong 2025.

Matatandaan kasi na ang naturang halaga ay hindi idineklara ng senador sa kaniyang Statement of Campaign Expenditures.

Pasado alas-dyis ng umaga nang personal dumating sa Sandiganbayan ang ilang mga kawani ng tanodbayan upang ihain ang naturang kaso.

Una nang sinabi ni Sen. Marcoleta sa isang pahayag na handa umanos iyang magpakulong, subalit makailang ulit na iginiit na gawa-gawa lamang umano ang naturang kaso laban sa kaniya.