LEGAZPI CITY – Ikalawang buhay na kung ituring ng isang Overseas Filipino Worker ang pagkaligtas sa nangyaring dalawang pagsabog sa Beirut, Lebanon.

Pagbabahagi ni Jocelyn Cortez sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi, malapit lamang ang shop na pinagtatrabauhan sa pinangyarihan ng pagsabog habang maging ang bahay ng amo ay nagtamo ng malaking pinsala sa insidente.

Hanggang ngayon, hindi pa naiibsan ang nerbiyos nito sa nangyari dahil sa trauma na naidulot.


Sa lakas ng impact ng pagsabog, nagsitalsikan umano ang mga cellphone, nabasag ang mga salamin habang nasira rin ang kalapit na simbahan.

Samantala, nabalitaan rin ni Cortez na maraming Pilipino ang nagtamo ng sugat sa nangyari kung saan dalawa ang kinumpirmang nasawi ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Jocelyn Cortez, OFW sa Beirut, Lebanon