LEGAZPI CITY- Kinumpirma ng Office of the Civil Defence Bicol na mayroong pitong indibidwal ang nasugatan sa lalawigan dahil sa nakalipas na sama ng panahon.
Subalit ayon kay Office of the Civil Defence Bicol spokesperson Gremil Naz sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na ina-asses pa kung dahil ito sa epekto ng Bagyong Aghon.
Nabatid kasi na apat ang nasugatan sa lungsod ng Legazpi matapos madaganan ng puno ang sinasakyang tricycle, dalawa naman ang sugatan sa Mercedes, Camarines Norte na natamaan rin ng puno at isa aman sa Sta. Magdalena, Sorsogon ang naitalang nasugatan.
Sa kabila nito ay patuloy na umaasa ang opisyal na walang maitatalang casualty dahil sa naturang sama ng panahon.
Samantala, sinabi ni Naz na sa unang report na ipinadala ng Department of Agriculture ay wala namang naitalang damage loss sa mga pananim na dulot ng naturang samana ng panahon.
Sa kabila nito ay patuloy pa umano silang maghihintay ng pinal na report mula sa iba pang mga tanggapan.