LEGAZPI CITY – Pinapaiwas na muna ng National Nutrition Council ang publiko sa pagkain ng mga maaanghang ngayong matindi ang init ng panahon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Arlene Reario ang Regional Director kan National Nutrition Council Bicol, isa sa mga nagpapalala sa nararamdamang init ang pagkain ng maaanghang na nakasanayan na ng mga Bicolano.
Kasama rin sa mga dapat na iwasan ay ang mga pagkain maaalat at ang pag-inom ng alak.
Mas maganda kung kakain na lang muna ng mga gulay at mga prutas kagaya ng pakwan, abokado, pipino, orange, kalamansi at iba pa.
Payo ng opisyal na ngayong mainit ang panahon, kailangan na magdoble ingat at pangalagaan ang ating kalusugan.