LEGAZPI CITY – Mahigpit ang payo ng National Nutrition Council sa publiko na pangalagaan ang kalusugan at ipanatili ang balanseng diet.
Kasunod ito ng naiulat na pagkamatay ng mukbang vlogger na si Dongz Apatan ng makaranas ng stroke dahil sa pinaniniwalaang sobra-sobrang pagkain ng matataba.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay National Nutrition Council Bicol Director Arlene Reario, anuman na sobra ay nakakasama sa katawan kaya dapat na umiwas sa sobra-sobrang pagkain.
Dapat umanong ugaliin ang pagkain ng sapat lamang ng hindi sobrang nagpapakabusog.
Kailangan rin na magkaroon ng aktibong lifestyle sa pamamagitan ng pag-eehersisyo.
Iwasan rin ang pagkain ng mga processed food na na posibleng makasama sa katawan pagtagal ng panahon.