LEGAZPI CITY – Nasa dry run pa ang binuksang night market na binuksan sa bayan ng Daraga, Albay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Daraga market administrator Jasper Dugan, one lane ng T. Perez ang inookupa para sa night market na nagbubukas alas-7:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.
Higit 100 na ang pinayagan na makapagtinda na may tig-isa’t kalahating metro na espasyo.
Pinag-aaralan pa ngayon kung hindi makaapekto ang aktibidad sa daloy ng trapiko kaya’t nagbaba ng Executive Order No. 13 sa bagong traffic scheme si Mayor Awin Baldo.
Sa bagong sistema sa trapiko, half-lane ng T. Perez St ang sarado, mula kanto ng Regidor St. hanggang kanto ng Balaguer Ext., kanto ng Balaguer St. hanggang Arboleda St., kanto ng Arboleda St. hanggang F. Lotivio St. at P. Burgos St.- kanto ng T. Perez St. hanggang sa kanto ng Rizal St.
Tiniyak naman ng kapulisan ang pagbabantay subalit paalala pa rin ang pag-iingat sa mga masasamang-loob.
Magpapaikot din ng bandillo sa kada tatlong oras sa pagpapaalala sa mga mamimili.
Samantala, higit na pagtutuunan ng pansin sa ngayon ng market administration ang kalinisan at kaayusan ng mga stalls ng Daraga.