LEGAZPI CITY- Naghahanda na ang mga tanggapan ng pamahalaan sa Bicol region sa pagsisimula ng panahon ng tag-ulan.
Ayon kay National Irrigation Administration Bicol Regional Manager Engineer Gaudencio De Vera sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nagsasagawa na ng dredging sa mga ilog at irigasyon upang hindi umapaw ang mga ito kung magkakaroon ng mga pag-ulan.
Kinakailangan umano na masiguro na kakayanin ng mga ilog ang mataas na kapasidad ng tubig ngayong La Niña.
Partikular na tinututukan ng ahensya ang lalawigan ng Catanduanes na karaniwan umanong tinatamaan ng masamang panahon.
Dagdag pa dito ang mga lalawigan ng Camarines Sur at Camarines Norte na karaniwang nakakaranas ng mga pagbaha tuwing tag-ulan.
Kaugnay nito, sinabi ni De Vera na in-activate na ng tanggapan ang kanilang quick repsonse team at nakahanda na ang mga ekipahe na maaring gamitin kung kinakailangan ng tulong ng lokal na mga pamahalaan.