LEGAZPI CITY-Sinisiguro ng National Irrigation Administration sa Albay ang kaligtasan ng mga magsasaka kasunod ng posibleng lahar flow sa mga irigation system habang patuloy ang pag-alburuto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay National Irrigation Administration Albay-Catanduanes Irrigation Management Office Engr. Mark Cloyd G. So, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na posibleng mamatay ang mga palay dahil sa pyroclastics na ito.
nakadeploy na ang kanilang mga indiustrial developer para magtaya ng mga pangyayari sa mga pasilidad.
Nagkakaroon rin sila ng monitoring sa posibleng maapektuhan na mga communal irrigation system at kung kinakailangan ay tatanggalin ang mga sediments dito para hindi maapektuhan ang daloy ng tubig.
Aniya, kung magpatuloy pa ang aktibidad ng Bulkang Mayon ay nakahanda sila sa anumang oras para sa mga apektadong magsasaka.
Mayroon rin silang mga ibibigay na subsidiya na magagamit ng mga magsasaka.
Nakahanda rin umano silang humingi ng funding sa central office sakaling maapektuhan ang mga imprastraktura sa lalawigan.











