LEGAZPI CITY- Nakikiisa ang National Historical Commission of the Philippines sa pagbubunyi ng mga Pilipino sa pagkakapanalo ng 2 gold medals ng Pinoy Olympian gymnast na si Carlos Yulo sa nagpapatuloy na Paris Olympics.
Ayon kay Eufemio Agbyani III, ang Historical Sites Researcher ng National Historical Commission of the Philippines, ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas na makasungkit ng dalawang gold medals sa loob ng 100 na taon na pagsali ng bansa sa Olympics.
maliban pa rito, ito rin aniya ang 1st time na nagkaroon ng isang pilipinong atleta na nakakuha ng dalawang gintong medalya.
Sinabi pa ng opisyal na nakakadagdag ng sense of pride ang pagtaas ng bandera ng Pilipinas sa mga international sporting event lalo na buong bansa ang nakakarinig ng pambansang awit ng bansa.
Samantala, hiling naman nito na magsilbing inspirasyon ang pagkaka panalo ni Yulo sa lahat ng atleta na gawin din ang kanilang makakaya at harapin ang iba’t ibang hamon sa buhay.
Hinihiling din ng National Historical Commission of the Philippines na mas marami pang mga atleta an ma train at maipadala sa mga olympics.
Eto rin aniya ang pagkakataon para mapansin ang iba pang sports na hindi sikat sa Pilipinas.
Panawagan naman nito sa gobyerno na mas mabuti pang bata pa ay mabigyan na ng suporta ang may mga potensyal na makasali sa mga olypmics.