LEGAZPI CITY- Ikinagalak ng National Food Authority Bicol ang record breaking na palay procurement sa rehiyon.
Nalagpasan na kasi ng tanggapan ang 360,000 bags ng target na palay procurement sa unang bahagi pa lamang ng taon.
Ayon kay National Food Authority Bicol Officer-in-Charge Regional Manager Julie Llenaresas sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na maraming mga lokal na magsasaka ang nagdala ng kanilang mga ani sa tanggapan dagil sa mas mataas na buying price ng palay.
Sa kasalukuyan kasi ay naglalaro sa P17 hanggang P23 ang wet palay habang P23 hanggang P30 naman ang presyo ng dry palay.
Ayon sa opisyal, malaking tulong ito sa pagpapaabot ng tulong ng ahensya sa panahon ng kalamidad.
Aniya, record breaking ang 364, 689 bags ng palay na nabili ng tanggapan sa unang anim na buwan ng 2024.
Paliwanag ni Llenaresas na tuwing hindi naaabot ng National Food Authority Bicol ang kanilang target procurement ay nagkakaroon pa ng augmentation mula sa ibang mga rehiyon.