Nananatiling buhay ang pag-asa ni Pinay boxer Nesthy Petecio para sa Olympic gold.
Ito matapos magwagi via unanimous decision laban sa Indian boxer na si Jaismine Lamboria sa 57kg category sa nagpapatuloy na Paris Olympics 2024.
Kahit pa kitang-kita ang height advantage ni Lamboria ay nadomina ni Petecio ang laban simula sa unang round.
Dahil hawak ang advantage mula sa una at ikalawang round ay tila nag-focus ang Pinay pride sa depensa pagdating sa ikatlong round ng kompetisyon.
Dahil sa naturang panalo ay susunod na makakaharap ni Petecio sa round of 16 si European Games titlist Amina Zidani ng France.
Matatandaan na noong Tokyo 2020 Olympics ay nakuntento lamang si Petecio sa silver medal kaya hangad nito na makapag-uwi ng ginto ngayong taon para sa Pilipinas.
Matatandaan na wala pang Pilipino ang nakakasungkit ng ginto sa boxing para sa Pilipinas sa kasaysayan ng Olympics.