LEGAZPI CITY- Nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga residente ng Ilocos Norte at Cagayan kaugnay ng debris na maaaring bumagsak kasunod ng isasagawang rocket launch ng China.
Nabatid na nakatakdang magpalipad ng Long March 7A ang China mula sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa Wenchang, Hainan sa pagitan ng Hunyo 28 hanggang Hunyo 30.
Posibleng bumagsak ang naturang debris sa drop zone na nasa 75 NM sa Burgos, Ilocos Norte at 126 NM ng Santa Ana. Cagayan.
Kaugnay nito ay inabisuhan naman ng Philippine Space Agency ang publiko na iwasan ang paglapit at pagkuha ng mga rocket debris dahil sa banta ng nalalasong mga substance.