LEGAZPI CITY – Umapela ang National Nutrition Council (NNC) sa mga political leaders na maglaan ng sapat na atensyon at pondo sa nutrition program ng gobyerno upang maresolbahan ang problema sa malnutrisyon.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay NNC Bicol Regional Coordinator Arlene Reario, dapat na maibilang ito sa comprehensive development plan sa bansa.

Ayon kay Reario, may long-term impact sa iba’t ibang sektor kung hindi mapagtutuunan ng pansin ang isyu sa malnutrisyon.

Mahalaga ang papel ng nutrisyon sa edukasyon ng kabataan lalo pa’t kabilang ito sa mga salik kung bakit marami ang nahihirapan sa cognitive development.

Batay sa pag-aaral ng Food and Nutirition Research Institute noong 2015, ikaapat ang Bicol sa mga rehiyon sa bansa na marami ang stunted o malnourish na edad 0 hanggang 5-anyos.

Limang taon matapos, lumabas sa hiwalay na pananaiksik na libo-ibong kabataan ang hirap bumasa ng Filipino at English.

Ayon kay Reario, nadi-develop sa unang 1, 000 days ng bata ang comprehension, memory at language, na nakadepende sa tamang nutrisyon na nakukuha nito.

National Nutrition Council (NNC) Bicol Regional Coordinator Arlene Reario