LEGAZPI CITY- Ibibida sa publiko ang national costume na ginamit ni 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray na pasisimulan sa Enero 15 hanggang Pebrero 15 ng kasalukuyang taon.
Ayon kay Darlito Perez, museum curator ng Museo de Legazpi sa panayam ng Bombo Radyo, lubhang ikinatutuwa ang pagpayag ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na i-exhibit ang costumes ng Bicolana beauty.
Magsisilbi aniyang pagkilala ang naturang exhibit sa karangalan na ibinigay ni Cat lalo na sa mga kababayan ng inang Albayano.
Si Professor Danny Gerona, Filipino historian at author naman ang magpapaliwanag sa Pre-Spanish period at iba pang mga kwento sa likod ng costume ni Cat.
Bawat isang paaralan aniya sa ilalim ng Department of Education (DepEd) Bicol, ang magpapadala ng kinatawang guro upang makinig sa lecture ni Gerona.
Samantala, magpapatupad naman ng ilang limitasyon sa pagtungo sa museo habang nasa P20 lamang ang entrance fee para sa mga nais ng close encounter sa naturang national costumes.