Ipapatupad ng mga kinauukulan ang pansamantalang suspensyon ng Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) sa Hulyo 22.
Layunin nito na masiguro na magiging mapayapa at ligtas ang ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Natatandaan kasi na inaasahan na dadalo sa SONA ang mga kasalukuyan at ilang dating mga opisyal ng pamahalaan.
Batay sa abiso ng mga otoridad, sisimulan ang suspensyon ng Permit to Carry Firearms Outside of Residence bandang alas-12:01 ng madaling araw hanggang 11:59 ng gabi sa Hulyo 22.
Matatandaan na una ng sinabi ng Philippine National Police na nasa 22,000 na kapulisan ang ipapakalat subalit maaari pa umano itong madagdagan kung makakapag monitor ng anumang uri ng banta.