LEGAZPI CITY- Nagsimula na ang National Food Authority sa mga paghahada nito kaugnay ng binabantayang sama ng panahon dulot ng bagyong Aghon.
Ito matapos na maitaas na ang tropical cyclone wind signal number 1 sa ilang mga lalawigan sa rehiyon.
Ayon sa tanggapan, kabilang sa kanilang paghahanda ay ang pagsiguro na secured ang stocks ng bigas sa bodega upang maiwasan na mapinsala ito.
Nabatid na in-activate na rin ang lahat ng Operations Centers ng tanggapan upang mas madaling makapag responde sa panahon ng pangangailangan.